Sunday, January 22, 2017 - 10:04 AM

Shalani Soledad Joins Willing Willie

It is now confirmed that the lady co-host mentioned by Willie Revillame is Shalani Soledad. This was the news leaked by PEP today after Willie said in his show it will be revealed this coming Monday who is his lady co-host in Willing Willie.

Here is the news item from  PEP:

Si Shalani Soledad ang magiging co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie simula sa Lunes, November 8.

Ang magandang 30-year-old politician ang tinutukoy sa blind item sa PEP ALERTS na lumabas ngayong araw, November 6, tungkol sa “isang big-time at kontrobersiyal na female personality na ipapakilala sa Willing Willie sa Lunes, Nov. 8.”

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, November 5, nagkasarahan na ang negosasyon sa pagpasok ni Shalani sa programa ni Willie. Pero hindi pa malinaw kung nakakontrata na siya o nasa trial period pa lamang.

Isang malaking hakbang para kay Shalani, na naninilbihan bilang konsehal sa Valenzuela City, ang pagiging co-host ng isang malaganap na variety program gaya ng Willing Willie.

Ibig sabihin kasi nito ay tuluyan nang pinalawak ni Shalani ang kanyang mundo.

Mula sa pulitika ay tatawirin na rin niya ang mundo ng showbiz, kung saan mas magiging target siya ng intriga at kontrobersiya?ngunit mas magkakaroon din siya ng pangalan, mas makikilala sa buong bansa, at mas makaa-attract ng malalaking offers.

Baka nga di maglaon ay endorser na rin siya gaya ni Kris Aquino, ang artistang sinasabi ni Shalani ay paborito niya noong mga panahong wala pa siyang kilala sa showbiz.

Bago pa man kasi nagdesisyon si Shalani na pasukin ang mundo ng telebisyon ay naging laman na siya ng balita sa diyaryo, radio, telebisyon, at news websites.

Bukod sa pagiging political figure, ang pinakadahilan ng interes ng media kay Shalani ay dahil sa naging girlfriend ito ni Pangulong Noynoy Aquino.

Bagamat wala pang direktang kumpirmasyon mula kina Shalani at PNoy, malakas ang usap-usapan na break na ang dalawa pagkatapos ng dalawang taon ng pagiging magkasintahan.

Tinukoy na ng YES! sa November isyu nito ang relasyon ng dalawa. Sinabi ng monthly entertainment magazine na kumpirmadong hiwalay na sila. Binigay pa ng YES!, na affiliate ng PEP, ang mga sumusunod na datos?

Petsa ng kanilang paghihiwalay: September 28; oras: gabi, dinner; lugar: Alfredo’s, isang restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kung saan sila unang nagkakilala. Walang third party at walang away. Natabangan na lang si PNOY kay Shalani.

Bago maluklok sa puwesto si PNoy bilang Pangulo ng Pilipinas ay mainit na pinag-usapan ang kanilang relasyon. At nang umupo na sa Malacañang si PNoy ay marami ang nag-abang kung si Shalani na nga ba ang magiging First Lady ng bansa.

Pero malabo nang mangyari ito dahil sa break na nga sila. Bukod dito, naiuugnay na rin ang pangalan nina Shalani at PNoy sa iba.

Samantala, matagal-tagal na rin naman ang bulung-bulungang nasa plano ni Shalani ang pagtakbo for higher office. Hindi na raw ito pang-barangay level lamang. Ito raw ay malamang tumakbo bilang kongresista o senadora sa malapit na hinaharap.

Pag nagkataon, malaking tulong sa kanya ang paglabas sa telebisyon.

Kung sa bagay, hindi na maituturing na baguhan sa harap ng telebisyon si Shalani. Bago kasi niya pinasok ang mundo ng pulitika ay naging field reporter siya para sa UNTelevision.

Gayunpaman, walang karanasan si Shalani sa pag-host o co-host ng programa na gaya ng Willing Willie, na kombinasyon ng games, prizes, contests, song and dance, at nakatutok sa isang masang audience.

Malaki ang stakes sa show na ganito. Pati pag-angat ng TV5 sa industriya ay mukhang nakataya rito.

Si Willie ang inaasahang magbibigay ng bigat sa Kapatid network upang seryosohin ito ng advertisers at ng audience. Kasunod nito, inaasahang mababanggit na ang pangalan ng TV5, kasa-kasama ang ABS-CBN at GMA-7, kapag pinag-uusapan ang major networks ng bansa.

At sa ganitong show, ang sinumang mag-host ay kinakailangang may mabilis na reaction time sa kung anuman ang bumulaga rito. Kailangan rin itong maagap sa mga sitwasyon at marunong sumalo sa kung anuman ang ibato ng audience at lalo pa sa ibabato ng main host na si Willie Revillame.

Sa ngayon, hindi nababakas sa personalidad ni Shalani?or at least sa public image nito?na siya ay magiging mala-Valerie Concepcion o Mariel Rodriguez o Pokwang, ang mga lady co-hosts ni Willie sa dating show na Wowowee sa ABS-CBN.

Ang tatlo ay matatas, lista, at mahusay kumonekta sa guests, liban pa sa sanay na sanay makilaro sa audience habang hindi inaagawan ng papel ang main host. Ito ang mga hahanapin kay Shalani.

Pero ngayon pa man, masasabi nang sa pagpasok ni Shalani sa Willing Willie, tiyak na lalong mabibigyan ng kulay ang lumalakas na bagong programa ni Willie.

Source: http://www.pep.ph/news/27299/-FIRST-READ-ON-PEP:–Shalani-Soledad-will-be-Willie-Revillame’s-co-host-in–Willing-Willie–

America Ferrera Amerie Amy Cobb

Share This
More
Under Topics:

Post Related to Shalani Soledad Joins Willing Willie

tes

tes

I recently upgraded to 2.8.4 from 2.7 and a plug-in that I deactivated and

MT BAKER KENNEL CLUB DAY TWO

MT BAKER KENNEL CLUB DAY TWO

GCH CH Brighton Lakeridge Encore   (Photo by Vicki  Hollaway) We still have reports coming

Google’s Bob Moog tribute a synthesized hit

Google’s Bob Moog tribute a synthesized hit

Google users woke up to a fully-functioning model of a classic Moog synth in

Leave a Reply

*